NMSJ Episode 3 Sneak Peak

Noong Linggo, sa ikalawang episode ng Nang Magising si Juan (NMSJ), sinusubukang intindihin ni Ariel, ang bida ng programa, kung ano ba talaga ang kalayaang pinansiyal. Ngunit mali ang kanyang pananaw na ang pinakamainam na paraang para lumaya sa kakapusan ay ang umasa sa ibang tao na susuporta sa kanya. Binubuhay niya ang kanyang sarili sa ganoong paraan; sinasamantala ang kabutihang-loob ng ibang tao para bigyan siya ng pera. Nakipag-date pa nga siya sa isang maganda at edukadong babae nang dala-dala ang ganitong intensiyon. Siyempre, iniwan siya agad ng babae. Hindi mo rin ba gagawin ito kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan?

 

Sa ikatlong episode sa Hunyo 1, makikipag-date si Ariel sa isa pang babae at magkakaroon ng marami pang usapan kasama si Brod Pete na inutangan niya. Nagpupunyagi si Ariel sa pera, at nagiging mas malinaw ito nang dinala ni Ariel ang kanyang “crew” sa PLDT, kung saan talaga siya nagtatrabaho. Ang kanyang trabaho sa katuwaang programang “Feeling Close ni FJC” ay part-time lamang. Nakapanayam ang kanyang tunay na boss at magbibigay siya ng mas marami pang detalye tungkol kay Ariel bilang isang taong may maling kaisipan tungkol sa pera. Matatapos ang episode sa pagdedesisyon ng Colayco Foundation for Education na kunin si Ariel para gabayan at kung paano ninais ng sansinukuban na mangyari iyon.

Manood ng Nang Magising si Juan tuwing Linggo, 8:00 am, sa GMA News TV.

Leave a Reply

Your email address will not be published.