Category Archives: Loan

SAVINGS BA ANG SSS, PHILHEALTH AT PAG-IBIG CONTRIBUTIONS MO?

And sagot ay OO.

Tuwing nagbabayad sa PhilHealth, para ka na ring nag-iipon dahil ang iyong kontribusyon ay ang iyong medical insurance premium. Dahil dito, naiibsan ang iyong gastusing medikal kapag nagpagamot kapag na-confine sa ospital. Importante na malaman ang mga dokumento na hinihingi ng ospital upang kilalanin nila ang iyong PhilHealth coverage. Siguraduhin rin na isumite agad ang mga dokumento isang araw bago mag-check-out. Kung hindi, maaring matagalan pa bago makapag-check-out. Tandaan na bawat oras na inilagi sa ospital ay nagpapalaki ng gastusin kaya’t siguraduhing makakalabas kaagad sa oras na pumayag ang doktor. Ang kanilang website ay www.philhealth.gov.ph .

Tuwing nagbabayad sa Pag-ibig, binibigyan mo ng pagkakataon ang sarili na magkaroon ng sariling bahay sa mas mababang halaga. Maraming mga real estate developers ang may kasunduan sa Pag-ibig kaya’t ang iyong loan para sa bahay ay agarang ihahain sa Pag-ibig, kung nasa ayos ang iyong mga dokumento.  Ang interest rates ng Pag-ibig ay nasa 6% para sa mga loans hanggang P400,000, 7% para sa mga loans sa pagitan ng P400,000 at P750,000, at 10.5% naman para sa mga loans sa pagitan ng P750,000 at 2 milyong piso. Maaring mag-alok ng in-house loan facilities (o sariling sistema ng pautang) ang ilang developers habang ang iyong Pag-ibig loan ay inaayos pa lamang. Intindihin nang maigi ang mga patakaran ng Pag-ibig dahil kapag hindi naaprubahan ang Pag-ibig loan, baka mapilitan kang tumungo sa in-house loan facilities ng mga developer o kaya’y sa mga commercial loan facilities (gaya ng mga bangko)… ngunit parehong mas mahal ang dalawang ito kaysa sa Pag-ibig. Ang website ng Pag-ibig ay www.pagibigfund.gov.ph.

Tuwing nagbabayad ka sa Social Security System o SSS, unti-unti kang naghahanda para sa iyong pagreretiro. Bukod pa riyan, nagbibigay ang SSS ng salary, emergency, calamity loans pati na rin ng loans para sa pabahay at negosyo. Maaari ring makinabang sa mga benepisyo para sa karamdaman, pagbubuntis, kapansanan, kamatayan, at libing. Ang website ng SSS ay www.sss.gov.ph.

Mahalagang kunin ang mga sertipiko o katibayan ng mga kontribusyon sa Philhealth, Pag-ibig, at SSS. Dahil kapag bumitiw ka sa iyong kumpanya, maaring hindi mo ito mapakinabangan sa panahon ng pangangailangan. Nagbibigay ang mga kumpanya ng mga sertipiko at kailangan mo iyong itago kasama ang mga mahahalagang dokumento.

Hindi Maipagpatuloy Ang Paghuhulog

May nagtanong tungkol sa suliranin ng ating mga kababayan tungkol sa pabahay. Ano ang dahilan kung bakit marami ang hindi nakapagbabayad ng buwanang hulog o amortization?

Mayroong ilang kadahilanan na sa aking palagay ay sanhi ng pagkabigo ng iba na maipagpatuloy ang pagbabayad ng hulog sa biniling ari-arian.

Una, hindi talaga nila kayang bayaran ang biniling ari-arian. Hindi nila marahil lubusang naunawaan at pinag-aralan ang kakaharaping pagbabayad na nakapaloob sa pinirmahang kontrata. Posibleng may pera silang pambayad ng downpayment pero hindi nila naisip ang tunay na gastusin para sa mga dokumento, buwis at interes. Anumang pagbabayad nang hulugan o installment ay isang transaksiyon ng pangungutang. At anumang utang ay tiyak na may patong na interes.

Hinayaan nilang makumbinse sila na lubha nilang kailangan ng sariling bahay na kung tutuusin ay hindi pa nila kayang bilhin. Ang totoo, may mga kamag-anak na nagsasamantala para makatira nang libre lalo na kung ang bumili ng bahay ay nagtatrabaho sa ibang bansa.

Maaaring bigla silang nawalan ng hanap-buhay at wala nang regular na kita para maipagpatuloy ang pagbabayad o di kaya ay nagkaroon ng malubhang sakit na kinailangang pagkagastusan ang pagpapagamot.

Umasa silang matapos makabayad ng paunang hulog (downpayment) ay magagawa nilang paupahan ang bahay o ipagbili ito nang may tubo bago pa man dumating ang panahon ng buwanang paghuhulog.

Binili nila ang bahay kahit pa ang kanilang pamilya ay nanatili pa ring nakatira sa kasalukuyang tirahan. Siguro ay nakalimutan nila na ang tinitirhan nilang bahay ay mangangailangan din ng pagkukunpuni at pagmamantine na makakaapekto sa kanilang budget.

Ang isang panghabambuhay na pangarap ang pagkakaroon ng sariling bahay. Tunay ngang maganda ang pagnanais na makamit ito lalo na sa mga wala pang sariling tirahan. Ngunit dapat ay maging responsable ang sinumang nagbabalak na abutin ang pangarap na ito. Mayroon din hindi nakukuntento. May sarili nang bahay ay gusto pa ng mas malaki at mas maganda. Bagama’t walang masama rito, dapat ay masusing pag-aralan ang lahat ng aspeto.

Sinumang hindi makapagbabayad ng buwanang hulog ay mapapatawan ng multa at karagdagang interes maliban pa sa regular na interes nito.  Hindi magtatagal ay lolobo ang pagkakautang hanggang sa hindi na ito kayang bayaran.

Sa mga taong nasa ganito nang sitwasyon, huwag agad susuko at pag-aralan ang problema. Kuwentahin kung kaya mong habulin at bayaran ang mga naipong monthly amortization na di nahulugan. Subukang makipagnegosasyon sa developer kung maaari nilang alisin ang ipinataw na multa at dagdag na interes. Humanap din ng mga posibleng bibili ng bahay kahit pa sa mas mababang halaga. Mas mainam na ito kaysa mabalewala ang lahat na naunang ibinayad.

Ang Kuwento ni Eva na Lubog sa Utang (Part 3)

Nang habulin na ng mga bangko si Eva dahil sa kanyang mga utang, hindi siya nangamba dahil alam niya makababayad siya mula sa kita ng kanyang negosyo. Ngunit nagkaroon siya ng panibagong problema. Nagsimula nang maghinala at magsuspetsa ang kanyang asawa kung saan napupunta ang kita ng negosyo. Nagpasiya si Eva na bumili ng lote sa pamamagitang ng pangungutang sa isang kaibigan sa interes na 4% kada buwan. Balak niyang magtayo ng apartment na paupahan ngunit wala na siyang sapat na pondo para ipatayo ito. Pumasok siya sa isang kumplikadong plano sa pagbuo ng pondong kailangan niya. Nanghiram si Eva ng pera mula sa kanyang mga pauupahin sa gagawing apartment. Nagbigay naman ang mga ito nang walang interes sa kasunduang ipauupa niya ang apartment sa kanila nang libre sa loob ng isang taon.

Napag-alaman ng mga nauna nating binanggit na taong nangutang kay Eva ang kanyang ginawa . Kinumbinse siya ang mga ito na muli silang tulungan at nangakong magbabayad sa kanya kapag sila ay kumita. At gaya ng dati, para bang na-hypnotize ng mga ito si Eva at pumayag naman siyang tulungan ang mga ito. Masyadong kumplikado ang kuwento ni Eva at puputulin ko na sa puntong ito dahil ang kasalukuyan niyang problema ay wala nang kaugnayan sa mga tinatalakay nating detalye.

Sumulat sa akin si Eva upang hingin ang aking tulong na makakuha siya ng isang malakihang utang para mabayaran ang lahat ng kanyang pagkakautang nang hindi nalalaman ng kanyang asawa. Ikinalulungkot kong wala akong maisip na paraan para makahiram siya ng pondo kung hindi ipagbibigay-alam sa asawa ang kanyang gagawin. Hindi ko pa rin maunawaan kung paano siya nakakautang sa bangko gamit na kolateral ang kanilang bahay at lupa na hindi hinihingi ang pagsang-ayon ng kanyang mister. Labag ito sa batas. Lahat ng pautang sa mag-asawa ay kailangang pirmahan at aprubahan ng mister at maybahay.

Ano ang mga aral na matututunan sa mahabang kuwentong ito ni Eva?

1). Una, hindi mo maaaring maibahagi ang anumang bagay na wala ka. Gustong makatulong ni Eva sa kanyang mga kaibigan hanggang sa puntong isakripisyo niya ang kinabukasan niya at ng kanyang pamilya.

2). Usapang pangpamilya ang pera. Itinago ni Eva sa kanyang asawa at mga anak ang lahat ng kanyang mga transaksiyon. Hindi ito mainam lalo pa at nalagay sa alanganin ang kanyang pamilya dahil sa kanyang mga desisyon.

3). Ang kasakiman ay nagtutulak sa ating kumilos nang pabigla-bigla at walang pag-iingat. Dapat ay naging kuntento na si Eva sa kanyang kinikita at hindi na pumasok sa mga negosyo at transaksiyong walang katiyakan.

4). Pag-aralang tanggapin ang pagkatalo at humanap ng paraan para makaangat muli. Ang pamumuhunan sa isang hindi kumikitang negosyo ay “pagtatapon at pagsasayang ng salapi.”

5). Pinakahuli, matutunang sumagot ng “HINDI.”

Ang Kuwento ni Eva na Lubog sa Utang (Part 2)

Nagpautang si Eva nang may patong na 5% interes kada buwan sa mga taong hindi nagsipagbayad sa kanya. Ini-refer niya ang mga ito sa isa pang nagpapautang na nagpatong naman ng 6% interes kada buwan at itinalaga pa si Eva bilang guarantor ng mga pautang na ito. Sumang-ayon si Eva sa ganito dahil inakala niyang ito ang paraan para siya mabayaran ng mga nangutang sa kanya. Sa kasamaang palad, walang bumalik para magbayad.

Natural lamang na si Eva ang pagbayarin sa mga pagkakautang dahil siya ang tumatayong guarantor ng mga ito. Dahil isa siyang mabuting tao at ayaw niyang sirain ang kasunduan sa kanyang paggagarantiya sa pautang, binayaran ni Eva ang mga salaping ipinahiram ng mga nagpautang.

Paano siya nakakuha ng pondong magagamit sa pagbabayad? Isinanla ni Eva ang ilan sa kanyang mga ari-arian sa interes na 2.5% kada buwan para lamang makapagbayad sa kompromiso. Napag-isip-isip niya na mas mababa ang 2.5% buwang interes kaysa 6% kada buwan na ipinapataw sa kanya bilang guarantor ng mga pautang.

Di nagtagal, nakaisip ng paraan ang kanyang mga pinautang upang kumita para makapagbayad ng pagkakautang sa kanya. Nakiusap sila kay Eva na kung maaari ay tulungan silang makapagnegosyo nang may tiyak at malakihang kita. Hindi maunawaan ni Eva kung bakit siya nagpadala sa mga pakiusap sa kanya. Sadya sigurong maunawain si Eva, may “pusong mamon” at nakatuon ang pansin sa posibilidad na makapaningil ng kanyang mga pautang sa kahit anong paraan. Dahil dito, hindi nakatanggi si Eva at muling pinahiram ng pera ang mga ito. Nangutang siya sa isang bangko at ginawa pa niyang kolateral ang kanyang bahay. Ayon kay Eva, nagsimula naman siya sa kanyang negosyo sa pamamagitan ng pangungutang sa bangko gamit na kolateral ang bahay niya. Umunlad naman siya sa ganitong paraan at nagawa niyang bayaran ang mga naunang utang niya sa bangko. Umasa siyang magiging ganito rin ang kapalaran ng kanyang mga tinutulungang mangutang.

Ngunit hindi ganito ang nangyari. Hindi naging matagumpay sa distribution business ang kanyang mga pinautang. Hindi kumita ang mga ito at hindi siya magawang bayaran. Nakapanlulumo pang malaman na inilagay niya ang negosyo sa pangalan ng mga nangutang sa kanya kasama na ang isang blankong deed of sale sa kanya. Nasa pangalan ni Eva ang mga utang sa bangko pero ang negosyo ay nasa pangalan ng mga mangungutang. Nakapatong pa sa kanyang balikat ang pagbabayad ng buwanang amortization sa bangko dahil ayaw niyang masira ang kanyang pangalan at credit rating. Malakas ang loob niyang manghiram sa bangko dahil alam niyang kumikita ang kanyang negosyo.

Tama lamang na mapag-isip-isip ni Eva kung saan siya nagkamali – malambot ang kanyang puso at laging gustong makatulong sa ibang tao. Walang masama sa pagtulong. Ngunit dapat din niyang maisip na “hindi mo maibabahagi sa iba ang anumang bagay na wala ka.” Dahil kung magpapatuloy ang ganitong kaluwagan sa pagpapautang, darating ang panahong siya mismo ay babagsak at hindi na niya magagawang makatulong sa iba. Sa pagnanais niyang tumulong, hindi na niya inisip ang sarili niyang kapakanan. Malalaman natin ang mangyayari kay Eva sa susunod pang artikulo.

Ang Kuwento ni Eva na Lubog sa Utang (Part 1)

Ang ibabahagi kong kuwento sa inyo mula ngayon hanggang sa mga susunod na tatlong artikulo ay batay sa tunay na sitwasyon. Sa unang tingin ay parang hindi totoo pero inilahad ito sa akin kaya naniniwala akong nangyayari ito sa totoong buhay at nararanasan ng karamihan. Bahagya kong papalitan ang ilang detalye gaya ng uri ng negosyo, lokasyon at pangalan para protektahan ang katauhan ng sumulat. Subalit magiging batayan pa rin ng mga artikulo ang kanyang ipinadalang liham kung saan niya inilahad ang kanyang kuwento. Alam kong makikilala ng mga mambabasa ang kani-kanilang sarili sa ilang bahagi o sa kabuuan ng mga pangyayari. Natitiyak kong lahat tayo ay may mga matututunang aral mula sa kanyang karanasan. Ang gagawin kong paglalahad ay ayon na rin sa kung paano niya ito ikinuwento sa aming pagpapalitan ng email.

Si Eva ay mula sa lungsod ng isang lalawigan. May sarili siyang bahay at lupa at aktibo sa retail distribution business. Maganda ang kanyang kita sa pinasok na negosyo pero ang problema niya ay ang kanyang pagkalubog sa utang. Nagsimula ito nang may mga lumapit sa kanyang tao para humiram ng pera. Dahil nga may hawak naman siyang pera at kumikita ang negosyo, naengganyo si Eva na magpautang sa interes na 5% kada buwan. Naisip niyang tama lamang ang ipinapatong niyang interes sa pautang dahil may mga iba na nagpapahiram nang “five-six.” Naging maganda naman ang takbo ng kanyang pagpapautang dahil nagbabayad sa takdang panahon ang mga humiram. Dahil dito, dinagdagan ni Eva ang pondong ipinapautang. Sa kalaunan, masyado nang malaki ang kanyang naipahiram at hindi na makabayad ang mga nangutang sa kanya.

Sa halip na tanggapin na lamang ang kanyang pagkalugi, naisip ni Eva na mas mainam kung irerekomenda niya sa ibang nagpapautang ang kanyang mga kliyente para makabayad ang mga ito sa kanya. Pumayag naman ang panibagong nagpapautang pero mas mataas kaysa 5% interes ang ipinatong nito at ginawa pang guarantor si Eva.

Bago natin ipagpatuloy ang kuwento ni Eva, pag-aralan natin ang mga naging desisyon ni Eva. Kung maganda ang takbo ng negosyo niya, bakit siya nalubog sa utang? Ang pagkakaroon ng magandang kita sa negosyo ay karaniwang nagreresulta ng mabilisan at tiyak na pagbabayad ng mga pagkakautang. Habang lumalaki ang negosyo, natural lamang na kakailanganin pa ring manghiram ng pondo. Kailangan lang tiyakin na mas malaki ang kinikita ng negosyo kumpara sa interes na binabayaran sa utang.

Mainam ang pagpapahiram ng pera kung nakapagbabayad ang mga pinautang. Sana pinag-aralan muna ni Eva bago siya nagpautang sa unang pagkakataon. Pero posibleng kalaunan ay naging “greedy” at ninais niya ng malakihang kita kaya siya nagpahiram nang malaki na hindi muna inaalam kung may kakayahang magbayad ang mga kliyente. Dapat pag-ingatan ang ganitong pagnanais ng sobrang malakihang kita.

Malaking pagkakamali ang naging pasiya ni Eva na irekomenda sa ibang nagpapautang ang kanyang mga kliyente na alam naman niyang walang kakayahang magbayad. Mas mabigat ang pagpayag niyang maging guarantor ng mga ito. Kabisado ng nagpapautang ang pagpapatakbo ng kanyang negosyo kaya mas mataas ang itinakda niyang interes at ginawa nitong guarantor si Eva ng mga inirekomenda niya.

Ipagpapatuloy ko sa susunod na artikulo ang paglalahad sa kung ano ang nangyari sa mga pinautang ni Eva at ang kinahinatnan ng kanilang hiniram na pera sa bagong nagpautang.

Pagtatatag ng institusyong pinansiyal

Nagpadala ng e-mail si Andy. Ang sabi niya:

Bakit hindi kayo magtatag ng isang institusyong pinansiyal na magbibigay ng tiyak na 12% kita para magkatotoo ang sinasabi ninyong P1,000 ipon kada buwan na may 12% interes sa loob ng isang taon? Lagyan ninyo na rin ng P2,000 hanggang P5,000 kada buwan na ipon o higit pa. Gawin ninyong totoo ang mga ideya ninyo. Hindi puwedeng puro salita lang. Walang ganitong pamumuhunan sa merkado sa mga panahong ito. Para maengganyo ang mga tao na mag-ipon at nang hindi na maging biktima ng mga scam. Pakikinabangan ito ng mga nasa underground economy tulad ng mga cigarette vendor, jeepney driver, market vendor, construction workers, janitors, messengers, mga katulong at iba pang may mababang kita. Para naman mabigyan sila ng pagkakataong umangat. Sa ngayon kasi, mga may pera lang ang pinagsisilbihan ng mga institusyong pinansiyal. Magiging mahirap ito para sa inyo sa ngayon dahil sa dami ng mga alituntunin, regulasyon at batas na dapat bigyang konsiderasyon, Pero isang malaking hamon ito sa inyo.

Ang sagot ko:

Para magarantiyahan ang anumang tiyak na kita, kailangang magkaroon ng siguradong pagkakakitaan para mabayaran ang ipinapangakong tubo. Tanging ang gobyerno lamang ang puwedeng magbigay ng absolute guarantee dahil ito lang ang may kakayahang magimprenta ng pera. Iyong mga nangangako ng tiyak na kita ay nagbabatay lang sa kung ano ang tiyak na mapagkakakitaan ayon sa kanilang paniniwala. Pero ang ganitong garantiya ay hindi lubusan. Kapag bumagsak ang negosyo, hindi matutupad ang mga ipinangakong tubo. Ito ang delikado sa namumuhunan nang malaki dahil walang katiyakang mananatili siyang may trabaho.

Mayroon ding iba na nagbibigay ng garantiya kahit walang sapat na batayan. Ito ang mga manloloko na karaniwang nagtatagumpay dahil malaki ang iniaalok nilang kita kaya marami ang naeenganyong pasukin ang kanilang pamumuhunan kahit delikado ang mga ito. Ang mga nabibiktima ay mga taong gusto ang biglaan at mabilisang kita. Hindi nila naisip na walang madali sa mundong ito. Kung gustong yumaman, kailangang pag-aralang mabuti kung paano ito gagawin. Nangangahulugan ito ng pagpapatupad ng mga alituntunin para maingatan ang mga risks sa pamamagitan ng panahon, compounding at tamang alokasyon ng mga asset.

Layunin ng aming institusyon na ituro ang kaalamang pinansiyal at ang mga binanggit mo ay natutugan ng mga nalathalang libro.

May mga institusyong pinansiyal para sa malakihang puhunan gaya ng sinasabi mo. Pero wala sa mga ito ang kayang magbigay ng garantisadong kita.

Credit Etiquette

Armand Bengco, ang Colayco Foundation Executive Director ay naging panauhin ni  Lyn Ching sa Unang Hirit.  Ang interview ay maaaring mapanuod sa http://www.youtube.com/watch?v=-tirSBBPy_8.  Ito ang naging usapan nila.

“Ano ang tamang paraan ng pangungutang?”

Kung sa bangko at ibang institusyon na nagpapautang, pormal tayong humaharap.  Gumagawa pa nga tayo ng pormal na sulat kung bakit tayo nangungutang at kung ano ang ating kakayanang magbayad.  Pauutangin tayo dahil mayroon tayong tunay na kakayanang magbayad at hindi lang dahil may collateral o mayroong guarantor.  Kung bago ka sa pangungutang sa bangko, mas mabuting may kilala ka na magpapakilala na ikaw ay marunong sumunod sa kasunduan.  Ang kolateral o guarantor ay kalimitan mga tuntunin ng Bangko Sentral.

Kung tayo ay mangungutang sa ating kaibigan or kamag-anak, siyempre bigyan rin natin sila ng kurtesiya. Mas mabuti na personal tayong pumunta at huwag lang mag-text o tumawag.  Dapat ipaliwanag natin kung bakit tayo humihiram ng pera at kung paano tayo magbabayad.  Dapat handa tayong pumirma ng kasulatan para talagang maniwala siya na may intensyon tayong magbayad.

“Paano mo sasabihing wala kang maipapautang o ayaw mong magpautang?”

Kung kamag-anak or kaibigan ang umuutang siguro pwede tayong makipag-usap ng masinsinan.  Mabuting mayroon tayong nakasulat na budget para maipaliwanag natin at makita nila agad kung bakit hindi natin kayang magpa-utang.  Kahit wala tayong listahan na maipakikita, dapat maipaliliwanag rin natin na mayroon tayong ibang pinaglalaanan at hindi lang siya ang binubuhay natin.

Maaari rin sabihing diretso lalo na kung tayo ay kinakapos.  Sinasabi nga namin sa Colayco Foundation, “we cannot share what we do not have.”

Pwede rin sabihin na sistema natin talaga ang hindi magpautang.  Sabi nga ni Armand na sa pamilya niya na anim na magkakapatid mulang pagkabata hanggang ngayong may edad na sila, hinding-hindi sila nag-uutangan sa isa’t isa. Kapag nakita rin naman ng ibang tao na ganoon ang pananaw na pinapahalahagahan at inirerespeto ang ating pananalapi, parang mahihiya silang lumapit.  Kung ano ang pinapakita natin sa labas, ganoon din ang pagtanggap at kung paano tayo itatrato.  Hindi talaga magandang makita ang mga magkamag-anak na nagkakainisan, nag-aawayan, at nagkakagalit dahil sa pera.

Minsan mayroon tayong kakayanang magpautang pero nagdadalawang isip tayo dahil may reputasyon yong umuutang na hindi nagbabayad.  Kung meroon siyang hindi masyadong magandang reputasyon, pangit naman na sabihin natin ng deretso kayat siguro dapat na lang mag “white lie” para makaiwas.  Dapat lang hindi tayo manggagalit o magpapahiya.  Kung sakaling pautangin pa rin natin siya, handa lang tayo na parang donasyon na lang yon.  Huwag na tayong magtaka pa o magalit kung hindi tayo mabayaran.

Ang isang magandang ugali, lalo na sa mag-asawa, ang hindi lang tayo ang nagbibigay desisyon sa pera.  Kasama natin ang katuwang natin sa buhay o maski na single, sabihin na kasama ang ating magulang o guardian sa mga desisyon tungkol sa pera, sa paggastos, sa pagpapautang, and pati sa pagiinvest.  Kung ayaw natin talagang magpa-utang, pwede nating sabihin sa  nanghihiram na “ay sorry, ayaw nang asawa ko eh.”

“Tama ba ang maki-ride sa credit card ng iba?”

Mayroong iba na kapag nasa shopping ay nagsasabing “pwedeng ilagay ko na lang sa credit card ko tong pinamili ko at babayaran kita pagnaningil na?”

Yan ay hinding-hindi dapat gagawin.  Ang credit card ay napaka-personal.  Pirma natin so talagang nagiging utang na natin kapag pumirma tayo.  Wala na tayong habol sa “naki-ride.”

“At pagdating sa pangungutang, sino ang dapat mong utangan? Kaibigan? Boyfriend? BOSS?”

Depende siguro sa sitwasyon.  Kung mga pormal na utang tulad ng housing loans, sa mga bangko o mga pormal institusyon na yon.  Kung mga emergency siguro, ang unang takbuhan ay kamag-anak.  Sa magboyfriend-girlfriend, siguro huwag muna. Baka yon nga ang magdala ng pagkawala ng respeto sa bawat isa.  Mayroon ngang mag-girlfriend/boyfriend lang na nag-jojoint account na.  Mahirap yon kung naghiwalya kayo hindi niyo alam kung paano ang hatian.  Kung ‘yung magasawa nga nagkakaproblema sa paghihiwalay ng properties at assets, lalo na ‘yung magboyfriend-girlfriend.

Reduce Expenses and Make Money

My husband recently lost his job. So while he is looking for work, I want to help out by earning money on my own. However, I can’t go to work because we have three kids that I have to take care of. Is there a way that I can earn while being at home?

There are two ways you can help your husband.  One quick way is reducing your expenses to the strictest basic Needs at least during these difficult times.  Needs are those that you can’t live without.  Everything else is considered Wants.  You will be surprised that you are probably still buying Wants without realizing it.  Just to emphasize what strict means, for example, any kind of dessert would be considered a Want.  Even coffee is a Want.  Choosing nutritional fruits and vegetables are Needs only if these are made part of your family’s daily nutrition.  Just buy those that are priced lowest for the season.  Taking a shower and wasting expensive water is a Want if you can use water from a bucket.  You get the drift, I’m sure.  You can just choose the best value for your money.  But I am not saying this is forever.  This is only in a state of emergency, which is where you are now.

Definitely your husband should be included in this exercise of reducing expenses.  It is important that you both show your children a good example.  “Practice what you preach.”  Depending on how old they are, you should include your kids in your budgeting exercise.  Make a game of the entire process.  Try not to introduce sweets and junk food to them except to taste, if it is already available at no extra cost to you.

The second option is to work at home as you are asking.  I think that working at home can only be through the use of your household capabilities or through the internet.

Household capabilities would probably mean cooking, sewing, washing, ironing, and handicraft.  Only you can identify what you are really good at.  In some situations, you can include your family’s needs in the process of doing the service for others.  For example, if you cook well, you might have neighbors who don’t cook and just buy their cooked food.  You could offer them your own daily home-cooked meal for a price that will give you a little profit but would still be worth it for them.

Just a thought, perhaps you can offer to take care of the children of your co-parents who also need to be at work and may not have the time to bring them to and from school.  You could look into running a mini-school bus-cum-nursery (children care) service to parents in the same school as your children.  Financing for acquisition of a school bus is quite available.

On the internet on the other hand, there are so many offers if you just go through a Search Engine like Google with a question on what you can do at home.  But you need to be careful if the opportunity will really work for the Philippines.  Most of them are really for the U.S. even if they claim to be internationally.  Be extra wary when you are asked to make an investment, no matter how reasonable it might seem.  If you are not sure but want to gamble, just understand that you are gambling so that you will not be disappointed.

HAPPY VALENTINE’S DAY!

Peronal na Prinsipyong Pamamahalang Pinansiyal

Mayroong isang batayang prinsipyo sa pamamahalang pinansiyal: huwag gagamitin ang perang inutang para ipuhunan sa capital market. Ito ang paglalagay ng puhunan sa securities gaya ng stocks at lahat ng uri ng mutual funds. Tandaan na kapag nangutang, obligadong bayaran nang regular ang takdang interes at prinsipal kumita man ang puhunan o hindi.

Sa kabilang banda, kapag namuhunan sa merkadong pinansiyal, umaasang kikita sa pamamagitan ng mga dibidendo o dagdag na halaga ng puhunan kapag ibinenta ito. Pinakamahalagang usapin sa pangungutang ang cash flow o daloy ng pera. Anumang loan ay pinapatungan ng interes batay sa termino ng pangungutang.

Tandaan na walang garantiya sa pamumuhunan sa financial market partikular na sa stocks dahil palagiang gumagalaw ang pagpepresyo. Mahirap sa kaso mo lalo pa at kailangang gawing kolateral ang iyong bahay. Ang totoo, malalagay sa peligro ang iyong bahay dahil walang katiyakan ang pamumuhunan.

Bagama’t mayroong liquidity sa mutual funds, walang nakatitiyak kung kailan at gaano ang pagtaas at pagbaba ng Net Asset Value (NAV) ng iyong puhunan. Kung mababa ang halaga sa panahong lubhang kailangan ang pera upang makabayad ng utang, mapipilitang ibenta ang puhunan sa mas mababang presyo.

Tamang Pangungutang

Bumababa ang interes sa pautang sa kasalukuyan kaya ito ang tamang panahon para mangutang kung mayroong magandang proyektong paggagamitan nito. Kapag ginamit sa magandang pamumuhunan ang perang hiniram, kikita ito at makadaragdag sa iyong net worth o halaga.

Kung pag-aaralang mabuti ang mga dapat pag-ingatan, maaaring mas malaki nga ang kikitain kaysa perang mahihiram sa bangko na may 9% interes kada taon. Sa aking palagay, tinimbang mo na ang mga posibleng risk at reward. Dapat ay mayroon kang personal na Statement of Assets and Liabilities o SAL. Makatutulong ito para tantiyahin kung ano ang mga dapat paghandaan at kung ano ang pinanghahawakan sakaling magkaroon ng biglaang pangangailangang pinansiyal.

Parents Without Money

I received this comment from “Boy Kamote” on a previous blog when I wrote about how we should teach our children about money.

“Sir sa mga nasabi o nabangit po ninyo ay sang ayon po ako..sa mga may kaya at panggitnang klasipikasyon na mga magulang ay maari nga nilang ipasunod sa kanilang mga anak… paano nakapagtatabi ang isang tao para sa ibang bagay kung hindi naman sasapat sa isa man lang….yun kalidad na bibilin sa palagay niyo po ba makapamili pa kung alin ang maganda at mura.matibay at may pangalan…paano magiging wise ang isang bata sa pamimili kung hindi niya nga kayang bilhin..o ang dungisin ay papasok sa isang mall nanglilimahid sa dumi at amoy siya bay papasukin hindi diba..alam ko poy kagalang galang at matalino,eh ito po lamang ay isang opinyon sa isang sabihin natin na di naman tayo pantay ng antas ng talino at pamumuhay…paano naman po ang mga magulang na ala man lang pera na maipapakitang ehemplo sa kanilang mga anak….yung mga anak na ala pa sa tamang edad ay naghahanapbuhay na para kumita,,kung ikaw na magulang ng ganun bata ano sasabihin mo pa ba o ipapaaral sa kanila ang mga sinasabi mo,,,baka sagutin ka ng wag mo akong pakialaman…buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura..nakalungkot man pong isipin yan ay isang bantad na katotohanan..ano ba ang dapat na isaisip pag ikaw ay may pera para sa isang simple at mahirap na magulang…di bat ang mapakain mo ang iyong pamilya ng may lasa lasang pagkain..at pag silay nas hapag na ng kainan ang masilayan mo silang masaya habang ninanamnam ang konting biyaya na napagsasaluhan..ano ba ang pakiramdam dibat nakapagpagaan ng kalooban di bale ng ala kang naitabi at masasabi mo sa iyong sarili na bahala na bukas at sanay palarin na naman na makahanap ng pera para may maipangtustos sa pang araw-araw…”

Related to this same article is a comment from “Sam” who says: “The best lesson you’ll give your child is about sharing money. Command it, not money commanding you!”

Boy Kamote is right that the advice I give are really for people who are earning some money. This is my chosen advocacy because of my life experiences that I can share. It is what I know best so I choose to share this. But more than this, my advocacy calls for the elimination of a “mindset of entitlement”. This is the attitude that makes people believe that they have the right to demand “help” from the government, their communities and their churches without having to work for it and thus deserve it. They grow up with the misplaced value that money is given, not earned.

What Sam said is also correct. However, we can only share what we have. Otherwise, we will not be sharing anything worthwhile. This is where I come from. We need to teach everyone about the need to earn, save, make your savings grow and share the savings they have grown with others.

I teach that as long as we are earning some regular income, we can save. The savings may be minimal but if we have the discipline and determination, we can aspire for greater savings over time. After all, we have so many examples of people who rose from almost nothing into very successful people.

I agree that some people are so poor that they cannot even buy food for their children. Such cases are very complex and there are people who choose to help in working on advocacies related to this. Let me just say that for those who have not enough, they still have their intellect and will. Money and all things material are mere creation from ideas. For as long as we are alive, we can think and create good things for us, provided we have the right mindset, the will to improve our lives.

When you can’t give good example about money.

I agree that it is natural that we want to be able to give the best food, shelter, clothing and everything that our family needs. I agree that if we have nothing, it is tempting to give them a moment of joy and forget about tomorrow. But I don’t agree that we should give or spend without thinking of tomorrow. It is an obligation not only to provide but also to leave something for tomorrow. “Bahala na” is the worst mindset to live by!

There are people who have risen from the poorest of the poor and made something of themselves. If we go by the thinking of Boy Kamote, that is not possible. But it does happen so it is not just a matter of money; it is an attitude and mindset inculcated in the children.

I think that the parents or guardians of such children taught them good VALUES from the time they were small. Values most important are respect, honesty, integrity, resourcefulness, sincerity, discipline, determination, decisiveness, sharing and others. If my child were to reply to me in a manner like “wag mo akong pakialaman…buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura.”, I think I would consider myself a failure in teaching my child many of the said virtues.

Since Boy Kamote wrote in Tagalog, here is a Tagalog translation:

Tama si Boy Kamote na talaga namang para nga sa mga kumikita ng pera ang mga payo ko. Ito ang pinili kong adbokasiya dahil na rin sa aking mga karanasan. Ito ang alam ko nang husto kaya’t ito ang pinili kong ibahagi. Mas mahalaga ay ang aking adbokasiya na dapat ibasura natin ang pananaw na may utang sa atin ang ating gobiyerno at ating komunidad kung kaya dapat sila ay mag bigay ng tulong kung tayo ang may pangangailangan. Itama natin itong pananaw na ito sa isang saloobin na ang tulong galing kaninoman ay dapat karapat-dapat sa tumatanggap.

Tumpak rin ang sinabi ni Sam. Ngunit, maari lang nating ibahagi ang meron tayo. Kailangan nating turuan ang lahat tungkol sa pangangailangang kumita, mag-ipon, magpalago ng naipon, at magbahagi ng biyaya sa kapwa.

Lagi kong sinasabi na hangga’t kumikita tayo, maari tayong mag-ipon. Maaring maliit lamang ang ipon ngunit sa tulong ng disiplina at determinasyon, tiyak na lalago ang ipon. Sa katunayan, napakaraming tao na ang nagtagumpay bagama’t nagsimula sa wala.

Totoong may mga taong lubos ang karukhaan na kahit pagkain na lamang ay hindi nila maipagkaloob sa mga anak. Masalimuot ang mga kasong ganito at may mga tao at ibang grupo na nagtataguyod ng mga adbokasiyang kaugnay dito. Ngunit tandaan na bagama’t kapos sa pera, may taglay pa rin tayong karunungan at pagpapasya. Ang pera at mga materyal na bagay ay pawang mga likha lamang ng karunungan at ideya. Hangga’t tayo’y nabubuhay, maari tayong mag-isip at lumikha ng mga bagay na ikabubuti natin, basta’t may tamang pag-iisip (mindset), at ang kagustuhan o pagpapasya (will) na paunlarin ang ating buhay.

Sumasang-ayon ako na likas lamang na maghangad ng pinakamainam na pagkain, tirahan, damit at iba pang pangangailangan para sa pamilya. Nauunawaan ko rin na kapag tayo’y kapos, natutukso tayong piliin ang panandaliang ginhawa at kalimutan ang pangangailangan sa kinabukasan. Ngunit hindi tayo dapat gumastos nang hindi iniisip ang ating kinabukasan. Obligasyon natin na mag-iwan para sa kinabukasan! Wala tayong mararating kung ipinagkakatiwala ang ating kinabukasan sa “Bahala na”!

May mga taong nagtagumpay bagama’t nanggaling sa labis-labis na kahirapan. Kung paparisan ang pag-iisip ni Boy Kamote, hindi posible ang ganitong tagumpay. Dahil marami na ang umasenso mula sa kahirapan, masasabing hindi lamang pera ang kailangan, napakahalaga rin ng tamang pag-iisip (mindset) at pagpapasya (will) na naituro sa mga bata.

Sa tingin ko, ang mga umasenso mula sa kahirapan ay iyong mga naturuan ng tamang pagpapahalaga (values) habang sila’y bata pa. Ang mga mahahalagang maituturo sa mga bata ay ang: paggalang, katapatan, integridad, pagiging maparaan, sinseridad, disiplina, determinasyon, maagap na pagpapasya, pagbabahagi at iba pa. Kapag sinagot ako ng aking anak ng “wag mo akong pakialaman…buti sana kung sobra o sapat ang kinikita pero hindi eh salat na salat pa para sa sikmura”, sa tingin ko’y nabigo akong ituro sa kaniya ang mga tamang pagpapahalaga.