Tag Archives: uitf

Kabutihan Kapag Kinakalat ang Puhunan

Simple lang naman ang paraan ng pamumuhunan sa mga MF at UITF. Bibili lang ng mga parte sa kanila. Pero nag-iiba-iba ang presyo ng mga parte bawat araw. Ang presyong ito ay nakasaad bilang Net Asset Value (NAV) ng bawat parte. Saka lang talaga kikita kapag ibinenta na ang mga parteng sa mas mataas na NAV kaysa sa pagkakabili. Nitong nakaraang limang taon, kung titingnan ang takbo ng mga magagaling na mutual funds, tumaas ang halaga ng equity funds ng 12 hanggang 19 porsiyento kada taon; ang balanced funds ay tumaas ng 10 hanggang 13 porsiyento kada taon; at ang bond funds ng 4 hanggang 9 porsiyento kada taon.

Kapag naglagak ka sa MF at UITF, mas mababawasan pa ang panganib ng pagkalugi kung ikakalat ang iyong puhunan. Huwag ilagay lahat sa iisang MF o UITF. Isa pa, pipiliin lang ang sampung pinakamaayos ang pagpapalakad at pinakamalaki ang kinikita. At kung malaki-laki rin lang ang pera, ilagak ito sa iba’t ibang klaseng funds. Halimbawa, imbes na ilagay lahat sa isang equity, o fixed-income o balanced funds, hati-hatiin ito — ang isang bahagi ay ilagay sa equities, ang isang bahagi sa fixed-income funds at ang natitirang bahagi sa balanced funds.

Ang UITF ay bago pa lang sa Pilipinas. Pinatatakbo ito ng isang trust institution, na kadalasa’y isang bangkong may trust license. Hindi lahat bangko ay may ganitong lisensiya. Pinalitan ng UITF ang Common Trust Funds (CTF) alinsunod sa mga patakaran sa ibang bansa. Kaya nga wala na ngayong CTF.

Ang mga trust company ay hindi talaga bahagi ng bangko, kaya ang UITF ay hindi itinuturing na “produkto ng deposito” at sa gayo’y hindi ginagarantiyahan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC).

Ang kinikita lang ng mga trust company ay ang bayad sa paghawak at pamumuhunan nila ng pera, kaya’t obligasyon nilang ibigay sa kanilang mga kliyente lahat ng kinita ng pondo. Kaya nga kadalasan, mas mainam pang maglagak ka ng pera sa trust fund kaysa sa savings account o time deposit sa bangko.

Bisitahin ang www.colaycofoundation.com para sa schedule ng aming mge seminar!

An Investment Coop?

by: Francisco J. Colayco

Last September 7, our very own Kapatiran sa Kasaganaan Multi-Purpose Coop (KSK Coop) celebrated its 10th year anniversary! From a handful of passionate members, it has grown so much throughout the years. It already has 2000+ members ALL AROUND THE WORLD.

KSK Coop is a very unique cooperative. It provides alternative investing opportunities to income-earning Filipinos who want to protect and grow their hard-earned wealth. It mainly invests in profitable businesses and the members would benefit from the returns of those businesses.

For a brief overview of what KSK Coop is, allow me to share with you this clip from our season ender episode of Nang Magising si Juan.

For more details about KSK Coop, visit www.kskcoop.com

Spending on Gadgets and Insurance

According to a study from an insurance company, Pinoys prioritize buying gadgets and insurance equally. But why? What are the factors that come into play? And what does it say about our manner of prioritizing needs and wants?

Here’s Armand Bengco, our Executive Director at Colayco Foundation, to talk about the matter:

Want to watch more videos on personal finance? Visit www.pisobilities.tv today!

Mga Puwedeng Paglagakan ng Maliit na Puhunan (Part 2)

ni: Francisco J. Colayco

*unang lumabas sa Bulgar noong ika-13 ng Agosto, 2009.

Ang direktang pamumuhunan sa stock market ay dapat ipinauubaya na lang sa mga eksperto. Sa MF at UITF, sigurado kang merong mga magagaling na tagapamahala ng pondong walang tigil na binabantayan ang mga parte at seguridad sa kanilang portfolio. Alam ng mga ito kung saan dapat ilagak ang pera mo.

Mas malaki ang kikitain ng perang sa MF at UITF dahil ito ay nagko-compound. Ang ibig sabihin, nadaragdagan at naiipon ang kinikita nito. Halimbawa, ang tubo mula sa pagbebenta ng mga equity o fixed-income security ng MF o UITF ay muling ibinibili ng bagong mga equity o fixed-income security para sa parehong MF o UITF. Kaya kapag ibinenta na ang mga parte sa kanila, patung-patong na ang kinita ng ipinuhunan.

Ang maganda pa, ang mga stock at seguridad na pinamumuhunanan ng MF o UITF ay pinapatawan na ng final withholding tax, kaya’t hindi na kailangang magbayad ng dagdag na buwis ng mga namumuhunan sa kanila. At hindi lang ‘yun — madali pang ibenta at gawing pera ang MF o UITF. Kahit anong oras ay maibebenta ito sa kasalukuyang presyo sa merkado.

May tatlong klaseng MF at UITF equity o stock fund, fixed-income o bond fund at balanced fund. Ang equity fund ay kadalasang ipinupuhunan sa stock market kaya mas malaki ang kita pero mas malaki rin ang panganib. Ang fixed-income fund o bond fund naman ay karaniwang ipinupuhunan sa mga Government Securities at iba pang fixed-income securities kaya mas mababa ang kita pero hindi rin naman ganoon kapanganib. Ang balanced fund naman ay hinahati — ang kalahati ipinupuhunan sa stock market at ang kalahati’y ipinupuhunan sa bond funds o fixed-income funds. Katamtaman lang pareho ang kita at panganib dito.

Ang bawat MF at UITF ay may kanya-kanyang layunin sa pamumuhunan at kanya-kanyang mga patakaran at kundisyon. Mas mainam kung kakausapin muna ang mga namamahala para malaman kung umaayon sa sarili layunin ang layunin ng MF o UITF na pamumuhunanan bago maglabas ng pera.

Dapat ring malaman na hindi kikita ng interes o makakokolekta ng dibidendo habang nakalagak ang pera sa MF o UITF. Kikita lang talaga kapag ibinenta na ang iyong mga parte o shares. Ang pinagkaiba ng presyo ng NAV noong binili ang iyong mga parte at kapag ibebenta na ang halaga ng iyong kinita o nalugi.

Sali na sa aming Investability: Mutual Fund seminar sa ika-20 ng Setyembre, 2014. Mag-click lang dito para sa karagdagang detalye.

Nang Magising si Juan Episode 9 Sneak Peek

by: Francisco J. Colayco

Last Sunday, Ariel and I interviewed Landbank’s Vice President Mr. Josefino “Joji” Cerin to find out what options there are for retirees in Landbank. It was a most interesting exchange of ideas for medium level investors. In summary, Mr. Cerin clarified the various options particularly Unit Investment Trust Fund (UITF) with a minimum requirement of Php10k. There is a good possibility of making money especially over the medium to long term of 3-5 years. However, losses are also possible if you sell at the wrong time but it is unlikely to end up with a complete loss of your investment. Ariel was not interested in the interview because he was uncomfortable when he could not understand. That was a bad attitude but I cannot force anyone to learn if they are not interested.

In another situation, Ariel had the right idea of trying to use his assets to earn him some income. Of course, because of his unthinking ways, it was not the best business, but at least he was trying, in converting his garage into a dancing place for senior citizens. Unfortunately, one of the senior citizens collapsed while dancing. She did not want to go to the hospital because she did not have any savings or insurance to pay for the medical expenses. Ariel with his good heart tried to help her but his funds are limited as well. The lady who fainted advised Ariel to prepare for his future.

On Sunday, July 13, Ariel and I will return to Landbank to ask for more products and options for each Filipino to grow their wealth. It will be a very interesting meeting where you will learn more about bank products that can give you better returns on your money than just leaving your savings in a savings account.

Catch Nang Magising si Juan this Sunday, 8:00 am at GMA News TV!

Nang Magising si Juan would like to thank it sponsors Bulgar, Bounty Fresh Chicken Chooks-to-Go, Mang Inasal, Landbank of the Philippines, and many more!